Isa sa pinakangugustuhan kong i-celebrate noong nasa elementary at high school pa ako ay ang nutrition month kung saan karamihan sa aking kaklase ay nagdadala ng samo't saring mga pagkain, gulay at prutas. Ang iba nga ay nagpapasarapan ng luto nilang mga putahe. Naalala ko pa nong high school. Sampong tali ng talbos ng kamote ang aking dinala at ang lahat ng iyon ay naubos lahat. Ipinagluto din ako ng specialty dish ni inay... PINAKBET! My favorite vegetable dish! Hehehe!
Naalala ko din na sumali ako sa poster making contest nang school. Ginuhit ko yung illustration ng Go, Glow at saka Grow Foods. Pagdating sa judges hindi nanalo ang entry ko kaya iyak-ako ng iyak. Nalaman ko, sandok lang pala yung price! Nakakatawa ano? Sabi nga ni nanay ayos lang daw yun marami naman daw sandok sa bahay.
Naransan ko din magtinda ng mga gulay ng mga kaklase ko. Kasi sabi nila mas magaling daw ako maglako kaysa sa kanila. Pano lahat ng paninda sa section namin naubos lahat sa paglalako ko. Naku! Nagbusiness man na lang sana ako.
Basta, maraming food ang na-eenjoy ko sa tuwing Nutrition Month. Sya nga pala, first issue ko to abangan na lang ninyo yung coverage ng Nutrition Month Celebration sa school namin. Coverage talaga. Hahaha!
Anyway see you on my next blog.
Eat right people! :)