Saturday, August 11, 2012

Lomi Espesyal

Isa sa mga pagkaing impluwensyado ng bansang Tsina ay ang mga pagkaing may main ingredient na noodles. Kagaya ng pansit, canton, batchoy, at ang masarap na lomi. Ang lomi ay isa sa mga sikat na Filipino noodle soup sa bansa pangalawa sa batchoy. Ayon sa Wikipedia, ang Lomi ay isang  pagkaing Pilipino na may sabaw mula sa katas ng manok, baboy o bakapansit na kilala rin sa katawagang lomi. Mayroon ding halong gulay at laman ng hipon ang lutuing ito. Ang mga pagkaing kagaya nito ay sinasabing naipasa daw ng mga dayuhang intsik sa atin. Ito ay maituturing na isa sa maraming baryasyon ng mga pancit sa atin. 

Dito sa Aklan karaniwang inihahain tuwing tag-ulan at malalamig na panahon. Karaniwan itong makikita sa mga karinderya at mga sikat nga restaurant sa Kalibo. Tatlo sa mga alam kong naghahain ng ganitong pagkain at dapat nyong matikaman ay:
1. Tokan's 
2. Mary's Refreshment
3. Snowland

Malapot ang sabaw ng Lomi kaya naman nararamdaman mo ang tekstura nito sa tuwing hinihigop mo. Ang mga pangunahing sankap nito ay ang pancit nito na yari sa sariwang itlog, mga sahog kagaya ng karne ng manok, baboy o baka,broth, seasoning, mga gulay at mga pampalasa. Sa ibang bersyun nito ay nilalagyan nila ng meatballs, hiniwang atay ng baboy at kikiam o kaya naman ay squid balls. May naglalagay din ng itlog ng pugo.

Masarap itong ipares sa pandesal at loaf breads. Masarap itong ihain kpaga mainit pa at maaring lagyan ng tuyo, patis, at kalamansi. Narito ang isa sa mga basic na pagluluto ng lomi. (Mula sa www.mixph.com)

Ingredients:
  • 1/4 kilo Lomi noodles (flat)
  • 1/2 cup Pork lean or chicken (sliced into cubes)
  • 50 g Magic meat (TVP) hydrated in 300 g water
  • 1/4 cup Shrimps, shelled
  • 1 large Onion, chopped
  • 3-4 cloves Garlic, crushed
  • 1 1/2 cup Shredded cabbage
  • 1 Carrot, sliced in strips
  • 1/4 cup Cooking oil (non-cholesterol)
  • 1/4 cup Cornstarch, dissolved in water
  • 2 raw Eggs
  • 2 tbsp Maggi magic sarap
  • 2 tbsp Maggi savor classic
Procedure
  1. Saute garlic and onion. When brown add pork or chicken, hydrated magic meat, and shrimps; stir for 2 minutes.
  2. Add 1/2 cup water, cover and simmer until water is almost dry.
  3. Add broth. Cover and let boil for 10 minutes.
  4. Drop in noodles, carrots, and shredded cabbage.
  5. Let boil for 3 minutes and thicken with dissolved cornstarch then add the rest ingredients.
  6. Beat eggs and stir in. Do not boil. Serve at once.

Enjoy your Lomi Yummy!!! <3

Monday, August 6, 2012

"Pagkain ng Gulay Ugalin, Araw-araw itong Ihain"


Ginatang Kalabasa
Dumating din yung araw na hinihintay namin at ng mga mag-aaral. Nakakatuwang isipin pero mas excited ako kaysa sa kanila. Ito na yung araw ng Culmination ng Nutrition Month! Bagamat gulay ay ang pangunahing tema ng selebrasyon  pangkalusugan ay nabigyan nila ito ng samu't saring twist. Kagaya na lamang ng amplaya na may giniling sa loob at may toppings na hipon. Masarap din yung ginataang kalabasa na may singkamas at sitaw. Mas lalong makrema at sumarap ang lasa dahil sa kesong puti at sa gatas na idinagdag dito.

Masarap din ang inihain ng mga nasa ikalawang taon ng ACC-HS, ang Chilli Tuna Stuffed Cabbage. Marami pa silang inihain na mga pagkain.
Chilli Tuna Stuffed Cabbage

At marami pang mga gulay at pagkain. Yum! Yum!

Go Mango float!


Fresh Gulay



Sarap -sarap ng mga gulay! Blurp!!

Sunday, July 15, 2012

Nutrition Month

Tada!!!! Ang Nutrition Month Bow!

Bago na naman ang blog kong ito. Tamang-tama lang sa buwan ng Hulyo. At dahil puro pagkain nga ang pinili kong maging pangunahing paksa sa pagbla-blog, inumpisahan ko na ngayong buwan ng Nutrition Month- ang buwan ng Hunyo.

Isa sa pinakangugustuhan kong i-celebrate noong nasa elementary at high school pa ako ay ang nutrition month kung saan karamihan sa aking kaklase ay nagdadala ng samo't saring mga pagkain, gulay at prutas. Ang iba nga ay nagpapasarapan ng luto nilang mga putahe. Naalala ko pa nong high school. Sampong tali ng talbos ng kamote ang aking dinala at ang lahat ng iyon ay naubos lahat. Ipinagluto din ako ng specialty dish ni inay... PINAKBET! My favorite vegetable dish! Hehehe!

Naalala ko din na sumali ako sa poster making contest nang school. Ginuhit ko yung illustration ng Go, Glow at saka Grow Foods. Pagdating sa judges hindi nanalo ang entry ko kaya iyak-ako ng iyak. Nalaman ko, sandok lang pala yung price! Nakakatawa ano? Sabi nga ni nanay ayos lang daw yun marami naman daw sandok sa bahay.

Naransan ko din magtinda ng mga gulay ng mga kaklase ko. Kasi sabi nila mas magaling daw ako maglako kaysa sa kanila. Pano lahat ng paninda sa section namin naubos lahat sa paglalako ko. Naku! Nagbusiness man na lang sana ako.

Basta, maraming food ang na-eenjoy ko sa tuwing Nutrition Month. Sya nga pala, first issue ko to abangan na lang ninyo yung coverage ng Nutrition Month Celebration sa school namin. Coverage talaga. Hahaha!
Anyway see you on my next blog.

Eat right people! :)